Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Vertebral Compression Fracture

Mayroon kang nadurog na gulugod. Isa itong pagpiga na bali ng 1 o higit pang buto sa iyong gulugod. Karaniwang nangyayari ang uring ito ng bali sa mas mga nakatatanda na may pagnipis ng mga buto na tinatawag na osteoporosis. Maaari itong mangyari pagkatapos ng isang pagkahulog sa patag na lupa o kahit sa pamamagitan ng napakaliit na puwersa. Maaaring kabilang dito ang pagyuko, pagtayo mula sa pagkakaupo, pag-ubo, o pagbahin.

Maaari din itong mangyari sa malulusog na kabataan pagkatapos ng isang matinding pinsala, tulad ng aksidente sa kotse o pagkahulog mula sa mataas na lugar. Karaniwang isa itong palagiang bali. Ibig sabihin nito na hindi kailangan ng gulugod na muling maiayos o mapagsama. At karaniwang hindi ito nagdudulot ng anumang pinsala sa spinal cord o mga nerbiyo. Madalas tumatagal ang pinsalang ito nang 1 hanggang 3 buwan para maghilom. Maaari itong gamutin sa bahay sa pamamagitan ng pamamahinga sa higaan at gamot sa pananakit.

Magagamit ang gamot na inirereseta o over-the-counter na gamot sa pananakit para makontrol ang pananakit. Maaaring pataasin ng pangmatagalang paggamit ng gamot sa pananakit ang panganib ng masasamang epekto. Kabilang dito ang pinsala sa atay o bato, pagdurugo ng sikmura at bituka, pagtitibi, o pagdepende sa droga. Kung mayroon kang hindi gumagaling na sakit sa atay o bato, o nagkaroon na ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito. Kung kailangan ang gamot sa pananakit nang higit sa 1 hanggang 2 linggo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa ibang pagpipiliang paggamot.

Maaaring ireseta ang isang brace sa likod o binder ng tiyan. Binabawasan nito ang sakit sa pamamagitan ng paglimita sa paggalaw sa lugar ng bali. Kung mayroon kang osteoporosis, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa paggamit ng mga suplementong calcium at vitamin D3. Maaaring kailangan mo ng mga gamot na reseta upang maiwasan ang dagdag na pagrupok ng buto. Kung umiinom ka ng corticosteroids, naninigarilyo o gumagamit ng mga produktong may nicotine, o sumailalim sa bariatric na operasyon, makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa kung paano nito maaapektuhan ang iyong mga buto. Isang napakahalagang bahagi ng plano ng paggamot ang isang programa ng ehersisyo upang mas mapalakas ang gulugod. Dapat itong magsimula kapag nakokontrol na ang pananakit.

Kung mayroon kang matindi at tumatagal na pananakit, maaaring ipayo ng iyong tagapangalaga ang isang pamamaraan na tinatawag na vertebral augmentation. Sa pamamaraang ito, ginagamit ang isang karayom upang magturok ng semento ng buto sa nabaling gulugod.

Pangangalaga sa tahanan

  • Maaaring kailanganin mong manatili sa higaan sa unang ilang araw. Ngunit magsimulang maupo o maglakad sa lalong madaling panahon. Tutulong itong maiwasan ang mga problema sa pinatagal na pamamahinga sa higaan tulad ng: panghihina ng kalamnan, paglala ng paninigas at pananakit ng likod, at mga pamumuo ng dugo sa mga binti.

  • Kapag nasa kama, subukang humanap ng isang komportableng posisyon. Pinakamahusay ang isang matigas na kutson. Subukang humiga nang patag na may mga unan sa ilalim ng iyong mga tuhod. Maaari mo ring subukang humiga nang patagilid na nakabaluktot ang iyong mga tuhod papunta sa iyong dibdib at may isang unan sa pagitan ng iyong mga tuhod.

  • Huwag umupo nang napakatagal. Nagdudulot ito ng higit na stress sa ibabang bahagi ng likod kaysa pagtayo o paglakad.

  • Maglapat ng ice pack sa napinsalang bahagi sa loob ng 15 hanggang 20 minuto kada 3 hanggang 6 na oras. Dapat mo itong gawin sa loob ng unang 24 hanggang 48 oras. Upang gumawa ng ice pack, maglagay ng mga piraso ng yelo sa isang plastic bag na naisasara sa ibabaw nito. Ibalot ang bag sa isang manipis na tuwalya o tela bago ito gamitin. Maaari mong simulan sa yelo, pagkatapos lumipat sa mainit matapos ang 2 araw. Maglapat ng init (maligamgam na shower o maligamgam na paliligo) sa loob ng 15 hanggang 20 minuto nang ilang beses kada araw para sa mga pamumulikat ng kalamnan. Pinakamabuti ang pakiramdam ng ilang tao sa pagpapalit-palit ng paglunas gamit ang yelo at init. Gamitin ang isang paraan na pinakamainam ang pakiramdam mo. Maging maingat na hindi mapinsala ang iyong balat gamit ang mga panlunas na yelo o init. Hindi kailanman dapat direktang ilapat ang yelo sa balat. Dapat gamitin ang maligamgam sa halip na mainit upang maprotektahan ang mga bahagi ng balat na may nabawasang pandama.

  • Uminom ng gamot sa pananakit ayon sa itinagubilin. Tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung hindi nakokontrol nang mabuti ang iyong pananakit. Maaaring kailanganin ang pagpapalit ng dosis, mas malakas na gamot, o iba pang pagpipiliang paggamot.

  • Dapat mong malaman ang mga ligtas na paraan ng pag-aangat. Huwag magbuhat ng anumang hihigit sa 10 pound hanggang mawala ang lahat ng pananakit.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo. Kung kumuha ng mga X-ray, sasabihan ka ng anumang bagong natagpuan na makakaapekto sa iyong pangangalaga.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mayroon kang:

  • Panghihina o pamamanhid sa 1 o magkabilang binti

  • Kawalan ng kontrol sa pagdumi o pag-ihi

  • Pamamanhid sa bahagi ng singit

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mas lumala ang pananakit o kumakalat sa iyong mga braso o binti.

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Luc Jasmin MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer