Reaksiyon na Pagkabalisa
Ang pagkabalisa ay isang pakiramdam na nakukuha nating lahat kapag naiisip nating maaaring mangyari ang isang bagay na masama. Isa itong normal na pagtugon sa stress. Pinakamadalas itong magdulot ng banayad na reaksiyon lamang. Ngunit maaari itong makahadlang sa pang-araw-araw na buhay kapag mas malubha ang pagkabalisa. Sa ilang kaso, maaaring hindi mo alam kung ano ang ikinababalisa mo. Tila mayroong parehong mental at pisikal na nagpapasimula ng pagkabalisa. Maaaring mayroon kang stress dahil sa bahay o sa pamilya. O sa trabaho at pakikisalamuha. May posibilidad na umiiral sa mga pamilya ang pagkabalisa. Maaaring mangahulugan ito na nauugnay ito sa mga gene.
Sa panahon ng reaksiyon na pagkabalisa, maaari mong maramdaman ang:
-
Walang magawa
-
Nerbiyos
-
Panlulumo
-
Pagkamasungit
Maaaring magpakita ang katawan mo ng mga senyales ng pagkabalisa sa maraming paraan. Maaaring mayroon kang:
-
Tuyong bibig
-
Panginginig
-
Pagkahilo
-
Panghihina
-
Hirap sa paghinga
-
Mabilis na paghinga
-
Presyon sa dibdib
-
Pamamawis
-
Pananakit ng ulo
-
Pagduduwal
-
Pagtatae
-
Pagkapagod
-
Hindi makatulog
-
Mga problemang seksuwal
Pangangalaga sa tahanan
Subukang hanapin ang mga bagay na dahilan ng pagkabalisa sa iyong buhay. Maaaring hindi napapansin ang mga ito. Maaaring kabilang sa mga ito ang:
-
Mga pang-araw-araw na kabalisahan sa buhay. Maaaring kasama rito ang mga masikip na trapiko, nalampasang appointment, o problema sa kotse.
-
Mga pangunahing pagbabago sa buhay. Ibig sabihin nito na parehong mabubuting pagbabago, tulad ng bagong sanggol o promosyon sa trabaho. Maaari din itong mangahulugan na mahihirap na pagbabago sa buhay, gaya ng pagkawala ng trabaho o pagkamatay ng mahal sa buhay.
-
Overload. Ito ay pakiramdam na napakarami mong responsibilidad. At na hindi mo kayang gawin ang lahat ng ito.
-
Pakiramdam na walang magawa. Maaari mong maramdaman na wala kang kontrol o mga pagpipilian. Maaari mong maramdaman na hindi malulutas ang iyong mga problema.
Masdan kung paano tumutugon sa stress ang katawan mo. Tutulungan ka nitong gumawa ng aksyon bago magsimula ang pagkabalisa dahil sa stress. Kapag kaya mo, gumawa ng mga pagbabago upang mabawasan ang mga pinagmumulan ng iyong stress. Ngunit kadalasan, hindi maiiwasan ang stress sa buhay. Mahalagang malaman kung paano pamahalaan ang stress upang mabawasan ang pagkabalisa. Maraming subok nang paraan na makakabawas sa iyong pagkabalisa. Kabilang sa mga ito ang:
-
Ehersisyo
-
Mabuting nutrisyon
-
Pagkakaroon ng sapat na tulog
-
Mga paraan sa pagrerelaks
-
Mga ehersisyo sa paghinga
-
Paglalarawan sa isip
-
Biofeedback
-
Pagninilay
-
Pagpapayo
-
Gamot
Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan. O tingnan online o sa inyong lokal na aklatan o bookstore. Makakikita ka ng maraming aklat at audiobook tungkol sa paksang ito.
Follow-up na pangangalaga
Kung sa pakiramdam mo ay hindi gumagaling ang iyong pagkabalisa sa pagtulong sarili, tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. O makipag-appointment sa isang tagapayo. Maaaring kailangan mo ng panandaliang pagpapayo o gamot upang tulungan kang pamahalaan ang pagkabalisa.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
-
Hirap sa paghinga
-
Pagkatuliro
-
Pagkaantok o hirap gumising
-
Pagkahimatay
-
Mabilis na pintig ng puso
-
Kumbulsyon
-
Bagong pananakit ng dibdib na nagiging mas matindi, mas nagtatagal, o kumakalat sa iyong balikat, braso, leeg, panga, o likod
Tumawag o mag-text sa 988 kung naiisip mong saktan ang sarili mo o ang iba. Ikokonekta ka sa mga sinanay na tagapayo sa krisis sa National Suicide Prevention Lifeline. Available din ang opsyon na online chat sa www.suicidepreventionlifeline.org. Maaari ka rin tumawag sa Lifeline sa 800-273-TALK (800-273-8255). Libre ang Lifeline at magagamit 24/7.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:
-
Mga sintomas na hindi bumubuti o lumulubha, tulad ng pakiramdam ng kawalan ng pag-asa o labis na kalungkutan
-
Matinding pananakit ng ulo na hindi nalulunasan ng pahinga at banayad na gamot sa kirot
Available ang National Suicide Prevention Lifeline sa 800-273-TALK (800-273-8255). Available ang Lifeline nang 24/7 at nagbibigay ng libre at kumpidensyal na suporta. Mayroon ding online chat ang Lifeline sa www.suicidepreventionlifeline.org.