Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Hemodialysis

Braso kung saan ipinakikita ang fistula sa pagitan ng ugat (vein) at arterya. Inililipat ang dugo mula sa katawan patungo sa dialyzer at pabalik sa katawan sa pamamagitan ng cathether na pang-dialysis na ipinasok sa ugat (vein).

Ang tungkulin ng mga bato ay upang tanggalin ang mga dumi at labis na tubig mula sa katawan. Binabalanse din ng bato ang lebel ng mga mineral sa katawan na tinatawag na electrolytes. Mahalaga ang mga bato sa kalusugan ng katawan. Ang mga taong may malubhang sakit sa bato ay walang kakayanan na maisagawa ang mga tungkuling ito. Ito ay maaaring dahil sa pansamantala o permanenteng kondisyon sa bato. Ang hemodialysis ay isang paraan ng pagbibigay lunas na siyang pumapalit at gumagawa ng mga mahahalagang tungkulin ng bato hanggang sa gumaling ang sakit mo dito, o kumuha ng pamalit sa bato (kidney transplant). Kung ikaw ay may sakit sa bato na nasa huling yugto na (end stage renal disease) at hindi na maaaring salinan ng ibang bato, maaaring kailanganin mong mag-hemodialysis habambuhay. Ang peritoneal dialysis ay isa pang uri ng dialysis, ngunit hindi ito tatalakayin sa artikulong ito.

Ang hemodialysis ay nangangailangan ng daanan sa malakas ang daloy ng dugo. May 3 paraan upang gawin ito.

  • Dialysis catheter. Ito ay isang plastik na tubo na inilalagay sa malaking ugat na daluyan ng dugo na karaniwang para sa pansamantalang daanan. Kung wala ng ibang opsyon, maaari itong permanenteng gamitin.

  • AV fistula. Sa pamamagitan ng isang menor na operasyon, isang malaking ugat sa iyong braso ang direktang ikakabit sa isang bena. Ito ay lumilikha ng isang arteriovenous fistula o AV fistula. Ang presyur ng dumadaloy na dugo mula sa malaking ugat ay dahan-dahang nagpapalaki sa nakakabit na bena. Maaaring abutin ng 4 hanggang 6 na linggo para mapalaki ng husto ang fistula at maging handa ito para sa dialysis. Ang AV fistula ang mainam na daanan. Ito ay dahil sa karaniwang mas kaunti ang problema at side effects nito. Mas tumatagal din ito kumpara sa ibang mga opsyon.

  • AV graft. Ito ay isang artipisyal na itinatanim (implant) upang pagsamahin ang isang malaking ugat at bena sa mga taong may maliliit na bena. Maaari din itong gamitin kapag hindi gumana ang AV fistula. Maaari na itong magamit sa dialysis makaraan ang ilang linggo pagkatapos ng operasyon.

Isang tubong pangkonekta ang naghahatid ng dugo mula sa punto ng daanan sa katawan patungo sa makinang pang-dialysis, kung saan sinasala at pinoproseso ng mga espesyal na pansala na tinatawag na dialyzers ang dugo. Pagkatapos ay ibinabalik ang dugo sa katawan gamit ang nakahiwalay na tubo at karayom. Tumatagal ito ng 3 hanggang 4 na oras at karaniwang ginagawa 3 beses sa isang linggo. Ang pagda-dialysis sa tahanan ay isa tring opsyon sa ilang pasyente.

Ang hemodialysis ay nakapagliligtas ng buhay para sa mga taong pumalya na ang bato, ngunit may mga posibleng sid effect ito. Kabilang dito ang mga impeksiyon, mababang presyon ng dugo, electrolyte imbalance, anemya, at sakit sa puso.

Pangangalaga sa Tahanan

Ang mga sumusunod na tagubilin ay makakatulong sa iyo na pangalagaan ang sarili sa tahanan:

  • Gamitin ang mga gamot gaya ng ipinag-utos.

  • Sundin ang espesyal na diyeta para sa pumalyang bato na ibibigay sa iyo ng tagapangalaga ng kalusugan.

  • Huwag magsuot ng anumang damit o alahas na maaaring maglagay ng presyur sa dako ng daanan.

  • Huwag humilig sa dako ng daanan kapag natutulog.

  • Kapag ang pasukan ay nasa braso, kunin ang presyon ng dugo at kumuha ng sampol ng dugo sa kabilang braso.

  • Tignan ang dako ng pasukan pagkatapos ng dialysis kung mayroong pamamaga, pagdugo o senyales ng impeksiyon.

  • Kapag meron kang AV fistula o graft, tignan ito palagi para makasigurong nararamdaman ang daloy ng dugo mula sa malaking ugat (artery) patungo sa ugat (vein). Huwag maglagay ng mga lotion o ibang produkto sa dako ng pasukan.

  • Kung mayroon kang panlabas na dialysis catheter, iwasan ang pisikal na gawain na maaaring humila sa catheter.

Follow-up na pangangalaga

Magfollow-up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan o ayon sa ipinayo.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Ang panlabas na catheter ay nagsimulang dumugo o malantad sa hangin

  • Matinding panghihina, pagkahilo, kawalang-malay, antok, o pagkatuliro

  • Pananakit ng dibdib o kakapusan sa paghinga

Kailan dapat humingi ng medikal napagpapayo

Tumawag sa tagapangalaga ng iyong kalusugan agad kung ang alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Ang kulay ng dugo sa labas ng tubing ay nagbago mula sa matingkad na pula at naging madilim na pula

  • Hindi mo maramdaman ang “thrill” (panginginig) sa AV fistula o graft

  • Pagduduwal o pagsusuka

  • Hindi inaasahang pagdagdag ng timbang o pamamaga sa binti, bukung-bukong, o sa paligid ng mga mata

  • Kaunti o walang ihi kung ikaw ay kakaihi lamang

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa ipinag-uutos ng tagapangalaga ng iyong kalusugan

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Walead Latif MD
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer