Matatag na Altapresyon
Ang altapresyon (hypertension) ay isang pangmatagalang (chronic) na sakit. Kadalasan ay hindi alam ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung ano ang sanhi nito. Pero ito ay maaaring sanhi ng ilang partikular na kondisyon sa kalusugan at mga gamot.
Kung ikaw ay may altapresyon, ikaw ay maaaring walang anumang sintomas. Kung mayroon kang mga sintomas, maaaring kabilang dito ang:
Pero kahit walang sintomas, ang altapresyon na hindi ginagamot ay nagpapataas ng iyong panganib para sa atake sa puso, pagpalya ng puso, sakit sa bato, at stroke. Ang altapresyon ay isang malubhang panganib sa kalusugan at hindi dapat balewalain.
Ibinibigay ang mga pagsukat ng presyon ng dugo bilang 2 numero. Ang systolic na presyon ng dugo ay ang itaas na bilang. Ito ang presyon kapag ang puso ay nagko-contract. Ang diastolic na presyon ng dugo ay ang nasa ibabang bilang. Ito ang pressure kapag ang puso ay nakarelaks sa pagitan ng mga pagtibok. Makikita mo ang pagbasa ng iyong presyon ng dugo na nakasulat ng magkasama. Halimbawa, ang isang tao na may systolic na presyon na 118 at isang diastolic na presyon na 78 ay magkakaroon ng 118/78 na nakasulat sa medikal na rekord.
Ang presyon ng dugo ay inuuri bilang normal, nakataas (angat) o yugto 1 o yugto 2 na altapresyon:
-
Normal na presyon ng dugo. Systolic na mas mababa sa 120 at diastolic na mas mababa sa 80 (120/80).
-
Mataas na presyon ng dugo. Systolic na 120 hanggang 129 at diastolic na mas mababa sa 80.
-
Yugto 1 na altapresyon. Ang Systolic ay 130 hanggang 139 o diastolic sa pagitan ng 80 hanggang 89.
-
Yugto 2 na altapresyon. Ang systolic ay 140 o mas mataas o ang diastolic ay 90 o mas mataas.
Pangangalaga sa bahay
Kung ikaw ay may altapresyon, sundin ang mga alituntuning ito sa pangangalaga sa bahay upang makatulong na mapababa ang iyong presyon ng dugo. Kung umiinom ka ng mga gamot para sa altapresyon, maaaring bawasan o wakasan ng mga pamamaraang ito ang iyong pangangailangan sa mga gamot sa hinaharap.
-
Magsimula ng isang programa sa pagbaba ng timbang kung ikaw ay sobra sa timbang.
-
Bawasan kung gaano karaming asin ang nakukuha mo sa iyong diyeta. Narito kung paano ito gawin:
-
Huwag kumain ng mga pagkaing may maraming asin. Kabilang dito ang mga olibo, atsara, pinausukang karne, at inasinang potato chips.
-
Huwag magdagdag ng asin sa iyong pagkain sa mesa.
-
Gumamit lamang ng maliliit na halaga ng asin kapag nagluluto.
-
Magsimula ng isang programa sa ehersisyo. Makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa uri ng programa ng ehersisyo na gagawin na pinakamahusay para sa iyo. Hindi naman kailangang mahirap. Kahit mabilis na paglalakad sa loob ng 20 minuto 3 beses sa isang linggo ay isang magandang paraan ng ehersisyo.
-
Huwag uminom ng mga gamot na nagpapasigla sa puso. Kabilang dito ang maraming over-the-counter na mga decongestant sa sipon at sinus na tabletas at spray, pati na rin ang mga diet pill. Tignan ang mga babala tungkol sa altapresyon sa etiketa. Bago bumili ng anumang over-the-counter na mga gamot o supplement, palaging tanungin ang parmasyutiko tungkol sa posibleng ugnayan ng produkto ng iyong altapresyon at ang iyong mga gamot sa altapresyon.
-
Ang mga stimulant, tulad ng amphetamine o cocaine, ay maaaring nakamamatay para sa isang taong may altapresyon. Huwag kailanman inumin ang mga ito.
-
Limitahan kung gaano karami ang caffeine na nakuhuha mo sa iyong diyeta. Lumipat sa mga produktong walang caffeine.
-
Itigil ang paninigarilyo. Kung ikaw ay isang matagal nang naninigarilyo, maaaring mahirap ito. Makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga gamot at mga pagpipiliang pagpapalit ng nikotina upang matulungan ka. Sumali din sa isang programang tigil-paninigarilyo. Ginagawa nitong mas malamang na ikaw ay tumigil nang tuluyan.
-
Alamin kung paano harapin ang stress. Ito ay isang mahalagang bahagi ng anumang programa upang mapababa ang presyon ng dugo. Alamin ang tungkol sa mga paraan ng pagpapahinga, gaya ng meditation, yoga, o biofeedback.
-
Kung nagreseta ang iyong provider ng mga gamot, inumin ang mga ito nang eksakto tulad ng itinuro. Ang mga nalaktawang dosis ay maaaring maging sanhi na mawalan ng kontrol sa presyon ng iyong dugo.
-
Kung nalaktawan mo ang isang dosis, suriin sa iyong provider o parmasyutiko ang tungkol sa kung ano ang gagawin.
-
Mag-isip tungkol sa pagbili ng isang awtomatikong machine sa presyon ng dugo upang suriin ang iyong presyon ng dugo sa bahay. Tanungin ang iyong provider para sa isang rekomendasyon. Makukuha mo ang isa sa mga ito sa karamihan ng mga parmasya.
Paggamit ng isang monitor sa presyon ng dugo sa bahay

Ang American Heart Association ay pinapayuhan ang mga sumusunod na alituntunin para sa pagsubaybay sa presyon ng dugo sa bahay:
-
Huwag manigarilyo o uminom ng kape sa loob ng 30 minuto bago kunin ang iyong presyon ng dugo.
-
Pumunta ka muna sa banyo bago ang pagsusuri.
-
Mag-relax nang hindi bababa sa 5 minuto bago kunin ang pagsukat.
-
Umupo nang may suporta sa likod (huwag umupo sa sopa o malambot na upuan). Panatilihin ang iyong mga paa sa sahig ng naka-uncrossed. Ilagay ang iyong braso sa isang solidong patag na ibabaw (tulad ng isang mesa) na ang itaas na bahagi ng braso ay nasa antas ng puso. Ilagay ang gitna ng cuff ng direkta sa itaas ng liko ng siko. Huwag kunin ang mga sukat sa itaas ng mga damit. Suriin ang tagubilin ng manwal ng monitor para sa isang paglalarawan.
-
Kumuha ng maraming mga pagbabasa. Kapag nagsusukat ka, kumuha ng 2 hanggang 3 pagbabasa sa pagitan ng 1 minuto at itala ang lahat ng mga resulta.
-
Kunin ang iyong presyon ng dugo sa parehong oras araw-araw, o bilang payo ng iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan.
-
Itala ang petsa, oras, at pagbabasa ng presyon ng dugo.
-
Dalhin ang talaan kasama mo sa iyong susunod na appointment sa pangangalagang pangkalusugan. Kung ang iyong monitor sa presyon ng dugo ay may built-in na memorya, dalhin lang ang monitor sa iyong susunod na appointment.
-
Tawagan ang iyong provider kung ikaw ay may maraming matataas na pagbabasa. Huwag matakot sa isang altapresyon na pagbabasa. Ngunit kung nakakuha ka ng ilang matataas na mga pagbabasa, mag-check in sa iyong provider.
Follow-up na pangangalaga
Kakailanganin mong makita ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ng regular. Ito ay upang suriin ang iyong presyon ng dugo at gumawa ng mga pagbabago sa iyong mga gamot. Gumawa ng follow-up appointment ayon sa itinuro. Dalhin ang talaan ng iyong pagbabasa ng presyon ng dugo sa bahay sa appointment.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mayroon kang alinman sa mga ito:
Kailan kukuha ng medikal na payo
Makipag-ugnayan sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan o kumuha kaagad ng pangangalagang medikal kung mayroon kang:
-
Presyon ng dugo ng 180/120 o mas mataas, nang walang iba pang sintomas.
-
Pumipintig o nagmamadaling tunog sa mga tainga.
-
Pagdurugo ng ilong.
-
Banayad o pasulput-sulpot na pagkahilo o pakiramdam ng umiikot (vertigo).