Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Matinding Pananakit ng Ulo (Migraine Headache)

Ang migraine headache ay isang madalas na matinding uri ng pananakit ng ulo. Naiiba ito sa iba pang uri ng mga pananakit ng ulo dahil may mga sintomas maliban sa pananakit na nangyayaring kasabay nito. Halimbawa, ang klasikong migraine headache ay nangangahulugan na ang mga nakikitang sintomas (o aura) tulad ng mga pagkislap ng liwanag, blind spot, o iba pang pagbabago sa paningin, ay nagbabala sa iyo na paparating ang pananakit ng ulo. Mga karaniwang sintomas ng migraine ang pagduduwal at pagsusuka, pagkahilo, pagiging sensitibo sa liwanag o tunog, at iba pang mga kaguluhan sa paningin. Maaaring tumagal ang pananakit mula ilang oras hanggang ilang araw. Hindi malinaw kung bakit nangyayari ang migraine, ngunit maaaring itaas ng ilang dahilan na tinatawag na mga trigger ang panganib ng pagkakaroon ng atake ng migraine. Maaaring magsimula ang migraine dahil sa emosyonal na stress o depresyon, o mga pagbabago ng hormone sa panahon ng cycle ng regla. Kabilang sa iba pang trigger ang ilang tableta para sa pagkontrol ng pagbubuntis, labis na paggamit ng mga gamot sa migraine, alak o caffeine, at mga pagkain na may tyramine, tulad ng keso at alak na laon. Maaari ding magsimula ng migraine ang pagkapagod ng mata, mga pagbabago ng klima, nalampasang pagkain, o napakakaunti o sobrang tulog.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga payong ito kapag inaalagaan ang iyong sarili sa bahay:

  • Huwag magmaneho nang mag-isa pauwi kung binigyan ka ng gamot sa pananakit para sa iyong pananakit ng ulo o may mga sintomas sa paningin. Sa halip, magpamaneho sa isang tao pauwi ng iyong bahay. Subukang matulog kapag nakauwi ka na sa bahay. Dapat mas gumanda ang pakiramdam mo kapag nagising ka.

  • Makatutulong ang sipon na mapagaan ang mga sintomas ng migraine. Maglagay ng ice pack na nakabalot sa isang manipis na tuwalya sa iyong noo o sa ibaba ng iyong bungo. Maglagay ng init sa iyong batok upang makatulng na mapagaan ang anumang pulikat ng leeg.

  • Uminom lamang ng malilinaw na likido o kumain ng magaan na diyeta hanggang sa gumaling ang iyong mga sintomas. Makatutulong ito sa iyo na maiwasan ang pagduduwal at pagsusuka.

Paano maiwasan ang mga migraine

Bigyang-pansin kung ano ang maaaring nagsisimula ng iyong pananakit ng ulo. Subukang umiwas sa mga nagpapasimula hangga't maaari. Kung madalas kang magkaroon ng pananakit ng ulo, isaalang-alang ang pagpapanatili ng isang diary ng pananakit ng ulo. Isulat dito kung ano ang ginagawa mo, nararamdaman, o kinakain sa mga oras bago ang bawat pananakit ng ulo. Ipakita ito sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang makatulong na makita ang sanhi ng pananakit ng iyong ulo.

Kung mukhang stress ang nagpapasimula ng iyong pananakit ng ulo, alamin kung ano ang nagdudulot ng stress sa iyong buhay. Pag-aralan ang mga bagong paraan upang pamahalaan ang iyong stress. Kabilang sa mga ideya ang regular na ehersisyo, biofeedback, self-hypnosis, yoga, at pagninilay. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga upang malaman ang higit pang impormasyon tungkol sa pamamahala ng stress. Magagamit din ang maraming aklat at digital media tungkol sa paksang ito.

Matatagpuan ang substansyang tyramine sa maraming pagkain. Maaari itong magsimula ng migraine sa ilang tao. Mayroong tyramine ang mga pagkaing ito:

  • Tsokolate

  • Yogurt

  • Lahat ng kesoo, ngunit lalo na ang laon na keso

  • Pinausukan o burong isda at karne, kabilang ang herring, caviar, bologna, pepperoni, at salami

  • Atay

  • Mga avocado

  • Mga saging

  • Mga fig

  • Mga pasas

  • Pulang alak

Subukang umiwas sa mga pagkaing ito sa loob ng 1 hanggang 2 buwan upang makita kung mas kaunti ang iyong pananakit ng ulo.

Paano gamutin ang pananakit ng ulo sa hinaharap

  • Magpahinga sa unang palatandaan ng pananakit ng ulo, kung maaari. Humanap ng tahimik, madilim, kumportableng lugar upang umupo o humiga. Hayaang makapahinga o makatulog ang iyong sarili.

  • Maglagay ng ice pack na nakabalot sa isang manipis na tuwalya sa iyong noo o sa bahaging pinakamasakit. Maaaring makatutulong ang heating pad at masahe kung mayroon kang pulikat ng kalamnan at paninikip sa iyong leeg.

  • Kung niresetahan ka ng gamot upang ihinto ang migraine headache, gamitin ito sa unang tanda ng babala ng pananakit ng ulo para sa pinakamahusay na mga resulta. Maaaring isang aura o pananakit ang mga unang palatandaan.

  • Kung niresetahan ka ng gamot upang maiwsan ang mga pananakit ng ulo, mahalaga na inumin ang gamot ayon sa itinagubilin. Karamihan sa mga gamot na ito ay maaaring tumagal ng ilang linggo upang magsimulang mapigilan ang pananakit ng ulo, kaya mahalagang huwag kaagad sumuko sa mga ito. Kung patuloy kang magkakaroon ng kasing daming pananakit ng ulo pagkatapos uminom ng mga gamot na ito nang ilang araw, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan upang malaman kung kailangang baguhin ang dosis o kung ipinapayo ang ibang gamot.

  • Kung kailangan mong uminom ng gamot nang madalas para sa iyong migraine, makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa iba pang paraan upang maiwasan ang iyong mga pananakit ng ulo.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow up sa tagapangalaga ng iyong kalusugan, o ayon sa ipinayo. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang madalas na pananakit ng ulo. Makakaisip sila ng plano ng paggamot. Itanong kung mayroon kang gamot na maiuuwi sa bahay sa susunod na magkaroon ka ng matinding pananakit ng ulo. Maaaring pigilin nito na bumisita ka sa departamento ng emergency sa hinaharap. Maaaring kailangan mong makipagkita sa isang espesyalista sa pananakit ng ulo (neurologist) kung magpatuloy ang pagkakaroon mo ng pananakit ng ulo.

Kailan hihingi ng medikal na pangangalaga

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung alinman sa mga ito ang mangyari:

  • Lumalala ang pananakit ng iyong ulo, o hindi ka gumagaling sa loob ng 24 na oras

  • Hindi mo malunok ang mga likido (paulit-ulit na pagsusuka)

  • Pananakit sa iyong mga sinus, mga tainga, o lalamunan

  • Lagnat na 100.4º F (38º C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Paninigas ng leeg

  • Labis na pagkaantok, pagkalito, o pagkahimatay

  • Pagkahilo, o pagkahilo na may pakiramdam na umiikot (vertigo)

  • Panghihina o pakiramdam na may problema sa isang braso o binti, o sa isang bahagi ng iyong mukha

  • Nahihirapang magsalita o makakita

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer