Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangingisay: Bagong Pagsumpong na may Hindi Malamang Dahilan (Adulto)

Nagkaroon ka ng pangingisay. Nangyayari ang pangingisay kapag may bugso ng palambang, di-makontrol na elektrikal na aktibidad na nagaganap sa utak. Maraming sanhi ang pangingisay. Madalas, hindi posible na malaman ang eksaktong dahilan ng pangingisay mula sa iisang pagsusuri lamang. Posibleng kailangan mo ng iba pang pagsusuri. Ang pagkakaroon ng 1 pangingisay ay hindi nangangahulugan na patuloy kang magkakaroon ng pangingisay. Hindi ibig sabihin na mayroon kang epilepsya. Ngunit hangga't hindi nalalaman ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang sanhi ng iyong pangingisay, nanganganib kang magkaroon ng isa pang pangingisay. Ang pagkakaroon ng 1 pangingisay nang hindi nalalaman ang dahilan ay naglalagay sa iyo sa mas mataas na panganib na magkaroon ng isa pang pangingisay, lalo na sa susunod na 2 taon.

Pangangalaga sa tahanan

Sundin ang mga payong ito kapag nangangalaga sa iyong sarili sa iyong tahanan:

  • Hindi nahuhulaan ang mga pangingisay: Huwag gumawa ng anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib sa iyo o sa ibang tao kung nagkaroon ka ng isa pa. Huwag magmamaneho, sasakay ng bisikleta, aakyat sa mga hagdan, o gagamit ng mapanganib na kagamitan.

  • Huwag maligo ng mag-isa. Sa halip, gumamit ng shower.

  • Huwag lumangoy nang mag-isa hanggang sa sabihin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na wala ka nang panganib na magkaroon ng panibagong pangingisay.

  • Sabihin sa iyong malalapit na kaibigan at kamag-anak ang tungkol sa iyong pangingisay. Turuan sila kung ano ang gagawin para sa iyo kung mangyari itong muli.

  • Kung may gamot na inireseta para mapigilan ang mga pangingisay, inumin ito nang gayong-gayon ayon sa itinagubilin. Hindi ito gumagana kapag ininom kung kinakailangan. Pinatataas ng mga pagpalya sa dosis ang panganib na magkaroon ka ng isa pang pangingisay.

  • Sundin ang regular na iskedyul ng pagtulog upang makakuha ka ng hindi bababa sa 6 hanggang 8 oras ng mahimbing na tulog bawat gabi. Lalong mahalaga ito kapag ikaw ay maysakit at may sipon, trangkaso, o ibang uri ng impeksiyon.

  • Huwag uminom ng mga inuming may alkohol hanggang sa sabihin ng iyong tagapangalaga na OK ito. Huwag kailanman gumamit ng ilegal na droga.

  • Ang bawat estado ay may iba't ibang batas tungkol sa pagmamaneho kung nagkaroon ka ng pangingisay. Itanong sa iyong tagapangalaga kung maaari kang magmaneho.

  • Isipin ang tungkol sa pagsusuot ng ID (pagkakakilanlan) upang alertuhin ang iba na ikaw ay nasa panganib ng mga pangingisay. Maaaring ito ay isang ID na pulseras o kuwintas.

Para sa mga pangingisay sa hinaharap, kung nag-iisa ka:

Kung nararamdaman mong susumpungin ka ng pangingisay, humiga sa kama o sa sahig na may malambot na sapin sa iyong ulo. Maiiwasan nitong matumba ka. Humiga nang patagilid sa iyong kaliwang bahagi, huwag patihaya. Magpapangyari ito na tumulo ang likido mula sa iyong bibig at maiiwasang mabulunan. Tiyaking hindi ka malapit sa mga bagay na maaaring puminsala sa iyo sa panahon ng pangingisay. Tumawag sa 911kung magagawa mo:

Para sa mga pangingisay sa hinaharap, kung may kasama ka:

Dapat ka niyang tulungang mailagay sa ligtas na posisyon. At pagkatapos ay dapat silang tumawag sa 911. Hindi niya dapat subukang ipilit ang anumang bagay sa iyong bibig kapag nagsisimula na ang pangingisay. Puwede itong makapinsala sa iyong mga ngipin o panga. Hindi niya dapat ilagay ang kanyang mga daliri malapit sa iyong bibig. Maaaring aksidente mo itong makagat.

Pagkatapos ng pangingisay, maaaring inaantok ka o nalilito. Dapat siyang manatiling samahan ka hanggang ganap ka nang magising. Hindi siya dapat mag-alok sa iyo ng anumang makakain o maiinom habang nasa panahong ito. Tumawag sa 911 o pumunta sa emergency room.

Follow-up na pangangalaga

  • Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan gaya ng ipinapayo.

  • Malamang kailangan mo ng ibang mga pagsusuri para matulungang malaman kung ano ang sanhi ng iyong pangingisay. Maaaring kasama sa mga pagsusuring ito ang mga brain wave test (EEG) mga scan sa utak (MRI o CT scans).

  • Mag-ingat ng kalendaryo para sa pangingisay para mairekord kung gaano kadalas kang nagkakaroon ng pangingisay.

  • Kung kasalukuyan kang umiinom ng gamot na panlaban sa pangingisay, tiyakin mong gumagamit ka ng higit sa 1 uri ng pangkontrol sa pagbubuntis. Nakakaapekto ang gamot sa pangingisay sa kung gaano kabisa ang mga pildoras na pangkontrol sa pagbubuntis, at puwede kang mabuntis.

  • Ipaalam sa iyong tagapangalaga kung plano mong magbuntis o kung buntis ka.

  • Huwag uminom ng alak hanggang sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga na OK iyon.

  • Huwag gumamit ng mga drogang panlibangan.

Para sa iyong sariling kaligtasan at para sa kaligtasan ng iba sa kalsada, iniuutos ng ilang estado na sabihin ng mga tagapangalaga ng kalusugan sa Departamento ng Pampublikong Pangkalusugan ang tungkol sa sinumang nasa hustong gulang na ginagamot para sa pangingisay at nasa panganib ng higit pang mga pangingisay. Pagkatapos ay sasabihan ang Kagawaran ng mga Sasakyang De-motor (Department of Motor Vehicles). Maglalagay ng mga restriksyon sa iyong lisensya sa pagmamaneho. Mananatili ito hanggang sa bigyan ka ng tagapangalaga ng medical clearance para makapagmanehong muli. Makipag-ugnayan sa iyong tagapangalaga para malaman kung kailangan ng iyong estado ang prosesong ito.

Mahalaga

Huwag magmaneho hanggang sa makapag-follow up ka sa iyong tagapangalaga ng kalusugan at pinayagan ka nang magmaneho.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Isa pangingisay

  • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Abnormal na pagkairitable, pagkaantok, o pagkatuliro

  • Pananakit ng ulo o leeg na lumalala

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Joseph Campellone MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 7/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer