Pananakit ng Tiyan na Hindi Tiyak ang Sanhi, Babae (Bata)
Ang pananakit ng tiyan (sikmura) ay karaniwan sa mga bata. Ngunit hindi karaniwang inirereklamo ng mga bata ang pananakit dahil hindi nila alam ang salitang gagamitin para ilarawan ang problema. Nahihirapan silang ituro kung saan ang masakit. Kadalasan, basta masama lang ang pakiramdam nila, o ayaw kumain. Maaari nitong gawing mahirap ang pag-diagnose sa pananakit ng tiyan sa iyong mga anak. Nauugnay ang mga sintomas sa tiyan sa maraming problema. Kadalasan, ang sanhi ng pananakit ng tiyan sa mga bata ay hindi seryoso at nawawala rin.
Sa mga susunod na araw, maaaring mawala at bumalik o magtuloy-tuloy ang pananakit ng tiyan. Maaaring mahirap pagpasyahan kung may masakit sa bata o may iba pang nararamdaman. Ang pananakit ng tiyan ay maaaring may kasamang pagkahilo at pagsusuka, pagtitibi, pagtatae, o lagnat. Kung minsan mahirap sabihin kung nahihilo ba ang mga bata dahil sa masama ang kanilang pakiramdam. Maaaring laging hinahawakan ng bata ang kanyang tiyan o makikitang nasasakta kapag hinahawakan ito.
Maaaring magpatuloy ang pananakit ng tiyan kahit nilulunasan na ito nang wasto. Kung minsan ang sanhi ay maaaring maging mas malinaw sa paglipas ng susunod na ilang araw at maaaring kailangan ang higit pa o ibang paggamot. Maaaring kailanganin ng karagdagang pagsusuri o mga gamot.
Kung minsan ang mga virus at bakterya ay nagiging sanhi ng impeksyon na nagdudulot ng pananakit ng tiyan. Ngunit hindi lahat ng impeksyon sa tiyan ay dapat gamutin ng mga antibayotiko. Ang pag-inom ng mga antibayotiko para sa mga dahilan maliban sa impesyon ng bakterya ay pwedeng maging sanhi ng mga problema.
Maaaring gawin ang mga pagsusuri at X-ray sa emergency room (ER) para malaman ang sanhi ng pananakit. Gayunman, hindi palaging kailangang gawin ang mga ito para i-diagnose o gamutin ang iyong anak.
Pangangalaga sa tahanan
Maaaring magreseta ng mga gamot para sa pananakit at mga sintomas ng impeksyon ang iyong tagapangalaga ng kalusugan. Sundin ang mga instruksyon sa pagbibigay ng mga gamot na ito sa iyong anak.
Pangkalahatang pangangalaga
-
Aliwin ang iyong anak kung kinakailangan.
-
Subukang humanap ng posisyon na magpapaginhawa sa nararamdaman ng iyong anak. Ang paglalagay sa tiyan ng maliit na unan sa tiyan ay maaaring makatulong na mapaginhawa ang pananakit.
-
Maaari ding makatulong ang libangin siya. Ang ilang bata ay maaaring malibang sa pamamagitan ng pakikinig ng musika o basahan sila ng aklat.
-
Mag-alok ng emosyunal na suporta sa iyong anak. Maaaring magdulot ang pananakit ng ilang matindi at negatibong emosyon, kabilang ang galit.
-
Maaaring makatulong ang mga paraan sa pagrelaks at therapy para sa pag-uugali kung nagiging pangmatagalan ang pananakit.
-
Ang paghiga na may maligamgam na pamunas na tela sa tiyan ay maaaring makutulong na mapabuti ang mga sintomas.
-
Paupuin ang iyong anak sa kubeta nang regular.
-
Huwag bigyan ng gamot para sa pananakit ng tiyan o pamumulikat maliban kung itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.
Diyeta
-
Huwag pilitin ang iyong anak na kumain, lalo na kung may nararamdaman siyang pananakit, pagsusuka o pagtatae. Isipin kung ano ang magpapaginhawa sa iyo o magpapala ng nararamdaman mo. Malamang na ganun din pagdating sa iyong anak.
-
Mahalaga ang tubig upang maiwasan ang dehydration. Ang sabaw, popsicles, o oral rehydration solution ay maaaring makatulong. Bigyan ng likido nang kaunti lamang. Huwag hayaan ang iyong anak na lunukin ito nang minsanan, na lalong magpapalala ng nararamdaman niya.
-
Huwag bigyan ang iyong anak ng matataba, mamantika, at maanghang, prinitong mga pagkain.
-
Huwag bigyan ang iyong anak ng mga pagkaing mataas sa fiber na maraming tira sa panahon nang pananakit.
-
Huwag bigyan ang iyong anak ng mga produktong gawa sa gatas kung siya ay nagtatae.
-
Huwag hayaan ang iyong anak na kumain ng marami nang minsanan, kahit pa nagugutom siya. Maghintay ng ilang minuto sa pagitan ng bawat pagsubo at mag-alok ng mas marami kung nakakaya niya.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow-up sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak o gaya ng ipinapayo. Kung may ginawang pagsusuri o pag-aaral, aabisuhan ka kung may mga bagong resulta na maaaring makaapekto sa pangangalaga sa iyong anak.
Kung maging chronic ang pananakit, maaaring ipayo ng provider ng iyong anak ang mga therapy sa pag-uugali. Malamang ito ay ang pakikipagkita sa isang therapist, pag-aaral ng mga paraan sa pagre-relax, at pagsisikap na panatilihin ang normal na mga aktibidad ng bata.
Espesyal na paalala sa mga magulang
Magtabi ng rekord ng mga sintomas tulad ng pagsusuka, pagtatae, o lagnat. Maaaring makatulong ito sa doktor sa paggawa ng diagnose.
Tumawag sa 911
Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:
Kailan dapat humingi ng medikal na pagpapayo
Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung alinman sa mga ito ang mangyari:
-
Nagpapatuloy ang mga sintomas tulad ng malalang pananakit ng tiyan, pagdurugo, masakit o may dugong pag-ihi, pagduduwal at pagsusuka, pagtitibi, o pagtatae
-
Pamamaga ng tiyan
-
Tagus o pagdurugo sa pwerta na walang kaugnayan sa pagreregla
-
Hindi mapanatili sa ibaba ang tubig o malinaw na mga likido ng iyong anak. Siya ay nanganganib na ma-dehydrate at nangangailangan kaagad ng medikal na tulong.
-
Hindi dumating na regla. Huwag masorpresa kung magsagawa ang doktor ng pregnacy test sa sinumang batang babae na nereregla na. Ito ay bahagi lamang ng ebalwasyon.
-
Malalang pananakit na tumatagal ng mahigit 1 oras
-
Hindi nagbabagong pananakit na tumatagal ng mahigit 2 oras
-
Namimintig, paulit-ulit na pananakit na tumatagal nang mahagit 24 na oras
-
Pananakit sa ibabang kanang bahagi ng tiyan
-
Ang iyong anak ay nagsisimulang makadama ng pagkakaroon ng sakit
Lagnat at mga bata
Gumamit ng digital na thermometer para suriin ang temperatura ng iyong anak. Huwag gumamit ng mercury thermometer. Mayroong iba't ibang uri at gamit ang mga digital na thermometer. Kabilang sa mga ito ang:
-
Sa puwit. Para sa mga batang wala pang 3 taong gulang, pinakatumpak ang temperatura sa puwit.
-
Noo (temporal). Gumagana ito sa mga batang nasa edad na 3 buwan at mas matanda. Kung may mga senyales ng sakit ang batang wala pang 3 buwang gulang, maaari itong magamit bilang unang pass. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Tainga (tympanic). Tumpak ang temperatura sa tainga pagkatapos ng edad na 6 na buwan, ngunit hindi bago ang edad na ito.
-
Kili-kili (axillary). Ito ay hindi gaanong maaasahan ngunit maaaring magamit para sa unang pass upang tingnan ang batang anuman ang edad na may mga palatandaan ng sakit. Maaaring nais kumpirmahin ito ng tagapangalaga gamit ang temperatura sa puwit.
-
Bibig (oral). Huwag gumamit ng thermometer sa bibig ng iyong anak hanggang sa siya ay hindi bababa sa 4 na taong gulang.
Gamitin ang thermometer sa puwit nang may pag-iingat. Sundin ang mga direksyon ng gumagawa ng produkto para sa tamang paggamit. Dahan-dahan itong ipasok. Pangalanan ito at tiyaking hindi ginagamit sa bibig. Maaari din itong magpasa ng mga mikrobyo mula sa dumi. Kung hindi ka OK sa paggamit ng thermometer sa puwit, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ang gagamitin sa halip. Kapag makikipag-usap ka sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak, sabihin sa kanya kung anong uri ang ginamit mo.
Nasa ibaba ang kung kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan kung may lagnat ang iyong anak. Maaari kang bigyan ng tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak ng iba’t ibang numero. Sundin ang kanyang mga tagubilin.
Kailan dapat tumawag sa tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa lagnat ng iyong anak
Para sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang:
-
Una, itanong sa tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung paano mo dapat kuhanin ang temperatura.
-
Puwit o noo: 100.4°F (38°C) o mas mataas
-
Kili-kili: 99°F (37.2°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Para sa batang edad 3 buwan hanggang 36 na buwan (3 taon):
-
Puwit o noo: 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Tainga (ginagamit lamang sa edad na higit sa 6 na buwan): 102°F (38.9°C) o mas mataas
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga
Sa ganitong mga kaso:
-
Temperatura sa kili-kili na 103°F (39.4°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Temperatura na 104°F (40°C) o mas mataas sa isang bata anuman ang edad
-
Lagnat na ___________ ayon sa ipinayo ng tagapangalaga